P30B pinamudmod sa 3.4M apektado ng pandemya -DOLE

Umabot sa P30 bilyong tulong pinansyal ang naipagkaloob ng gobyerno sa mahigit tatlong milyong manggagawa sa loob at labas ng bansa na apektado ng pandemya, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

The post P30B pinamudmod sa 3.4M apektado ng pandemya -DOLE first appeared on Abante.

p30b pinamudmod sa 3 4m apektado ng pandemya dole - P30B pinamudmod sa 3.4M apektado ng pandemya -DOLE
DOLE - P30B pinamudmod sa 3.4M apektado ng pandemya -DOLE

Umabot sa P30 bilyong tulong pinansyal ang naipagkaloob ng gobyerno sa mahigit tatlong milyong manggagawa sa loob at labas ng bansa na apektado ng pandemya, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Assistant Secretary Dominique Tutay sa Laging Handa briefing na nasa P28.8 bilyon sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1) at Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ang inilang cash aid sa mga formal at informal sector employees, gayundin sa mga stranded OFWs .

“Under Bayanihan 1 and 2, we have about PHP28.8 billion financial assistance to some 3.4 million workers from the formal sector, informal sector, and also the repatriated OFWs,” paliwag ng opisyal.

Ang tulong pinansyal ng gobyerno ay ginawa ng DOLE sa pamamagitan ng tatlong programa: Covid-19 Adjustment Measures Program (CAMP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program, at Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP).

“Based on our monitoring on job displacement, more than 420,000 workers have permanently lost their jobs and there are 4.5 million workers affected by flexible work arrangement and temporary closure,” ayon pa kay Tutay.

The post P30B pinamudmod sa 3.4M apektado ng pandemya -DOLE first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *