P30B cash aid sa Bayanihan 1 nawawala

Mahigit sa P30 bilyong pondo para sa Special Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1 ang nawawala sa kasalukuyan, ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson. Ibinunyag ito ng senador sa panayam sa telebisyon kung saan sinabi nito na P389 bilyon ang inilabas ng Department of Budget and […]

The post P30B cash aid sa Bayanihan 1 nawawala first appeared on Abante.

p30b cash aid sa bayanihan 1 nawawala - P30B cash aid sa Bayanihan 1 nawawala
sap 1 - P30B cash aid sa Bayanihan 1 nawawala

Mahigit sa P30 bilyong pondo para sa Special Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1 ang nawawala sa kasalukuyan, ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Ibinunyag ito ng senador sa panayam sa telebisyon kung saan sinabi nito na P389 bilyon ang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) para sa SAP sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno subalit P359 bilyon lang ang nagastos dito at hindi malinaw kung saan napunta ang kulang na P30 bilyon.

“We discovered that even in the distribution of SAP, the P389B allotted by DBM to the different agencies, they only spent P359B. And I was inquiring where the P30B spending gap has occurred. Which agencies have sacrificed which sectoral beneficiaries?” sabi ni Lacson.

“Kasi P30B is P30B. And since we are at a stage when we are addressing a health issue which is the pandemic, bakit nagkulang ng paggasta ang ating agencies?” dagdag pa nito.

Nauna na umanong ipinaliwanag ni DBM Secretary Wendel AVisado sa budget hearing ng Senado na ikinalat ang nasabing pondo sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Subalit hindi kumbinsido si Lacson sa paliwanag ng kalihim.

“Sec. Avisado started blurting out figures as they distributed the amounts to the different agencies. That was not what I wanted. Ang gusto ko malaman nasaan ang P30B?” tanong ni Lacson.

“Since P389B had already been allotted to the different agencies, meaning released to the agencies, why these agencies failed to disburse the aggregate total of P30B. kasi marami pang nagrereklamo na LGUs, barangays, I talked to them, na hindi pa umaabot sa kanila ang SAP if at all,” dagdag nito.

Kailangan aniyang masagot ng DBM kung saan napunta ang natitira pang P30 bilyong pondo ng SAP sa ilalim ng Bayanihan 1.

“If P389B has already been released, bakit may spending gap na P30B considering kailangan ng mga kababayan natin especially ang intended beneficiaries on health matters,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

The post P30B cash aid sa Bayanihan 1 nawawala first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *