P30.1M nilaan ng Dumaguete para sa disaster equipment

INAPRUBAHAN ng Dumaguete City Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagbili ng mga kagamitan para masiguro ang kahandaan ng lungsod para sa sakuna.

The post P30.1M nilaan ng Dumaguete para sa disaster equipment appeared first on Abante News Online.

p30 1m nilaan ng dumaguete para sa disaster equipment - P30.1M nilaan ng Dumaguete para sa disaster equipment
ABANTE Dumagete - P30.1M nilaan ng Dumaguete para sa disaster equipment

INAPRUBAHAN ng Dumaguete City Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagbili ng mga kagamitan para masiguro ang kahandaan ng lungsod para sa sakuna.

Una nang pinanukala ng konseho ang paggamit ng hindi nagamit na Local Disaster Risk Reduction and Management Fund noong 2018 na nagkakahalaga ng P30.1 milyon.

Kabilang sa proyekto ang pagbili ng 30 mini ambulance, P9 milyon; full-size na ambulansya, P3 milyon; penetrator fire truck P4.5 milyon; mobile base radio, P342,000; radio antenna, P170,000; signage para sa mga evacuation center at disaster prone-area, P200,000; water purification truck, P2.5 milyon.

Gayundin ang mobile generator set, P800,000; mobile kitchen, P800,000; fuel and lubricants, P694,000; equipment para sa mga rescuer, P1 milyon at water trailer, P900,000.

Ang iba pang proposal ay ang pagbuo ng water tower, P500,000; pagsasagawa ng Community-Based Monitoring System, P5 milyon; at pagpapa-repair ng evacuation center, P358,455.

The post P30.1M nilaan ng Dumaguete para sa disaster equipment appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *