P3.5M tinulong ng Pasig sa Catanduanes

Natanggap na ng Catanduanes government ang relief goods at ayuda mula sa Pasig City para sa mga hinagupit ng supertyphoon Rolly.

The post P3.5M tinulong ng Pasig sa Catanduanes first appeared on Abante.

abante pasig - P3.5M tinulong ng Pasig sa Catanduanes

Natanggap na ng Catanduanes government ang relief goods at ayuda mula sa Pasig City para sa mga hinagupit ng supertyphoon Rolly.

Na-turnover na ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Council (PCDRRMC) ang 10,000 food pack na nagkakahalagang P1.5M kay Catanduanes Governor Joseph Cua at Rep. Hector Sanchez.

Ibibigay ang mga food pack sa mga residenteng sinalanta ng bagyo noong Nobyembre 1.

Bukod dito, nagbigay din ang city government ng P2 million tulong-pinansyal sa provincial government.

“Hindi namin makakalimutan ang tulong ng city of Pasig,” sambit ni Cua.

Catanduanes ang isa sa mga grabeng nasalanta ng bagyong Rolly matapos itong mag-landfall sa probinsya, kung saan tinatayang 90 percent ng impraistruktura sa lugar ang nasira. (SDC)

The post P3.5M tinulong ng Pasig sa Catanduanes first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *