P2P UV Express dagdag pahirap sa mga commuter

HINILING ng mga lider mula sa transport group kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra na muling pag-aralan bago ipatupad ang ipinalabas na Memorandum Circular No. 2019-025 na nag-aatas na ipatupad ang point-to-point o terminal-to-terminal policy sa mga UV Express.

The post P2P UV Express dagdag pahirap sa mga commuter appeared first on Abante News Online.

p2p uv express dagdag pahirap sa mga commuter - P2P UV Express dagdag pahirap sa mga commuter
abante UV Express - P2P UV Express dagdag pahirap sa mga commuter

HINILING ng mga lider mula sa transport group kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra na muling pag-aralan bago ipatupad ang ipinalabas na Memorandum Circular No. 2019-025 na nag-aatas na ipatupad ang point-to-point o terminal-to-terminal policy sa mga UV Express.

Sa isang press conference sa Quezon City, inihayag ni Danny Mangahas, chairman ng Kongreso ng Mananakay, ang mga saloobin ng mga driver at operator partikular ang hinaing ng mga commuter na aniya’y direktang mapeperwisyo sa gina­wang hakbang ng LTFRB.

Aniya, wala man lamang gina­wang konsultasyon ang pamunuan ng LTFRB sa hanay ng mga transport group na maaapektuhan ng nasabing polisiya.

Idinagdag pa nito na lubhang mahihirapan ang hanay ng mga person with disability o PWD at mga senior citizen sakaling tuluyang ipatupad ang naturang hakbang ng LTFRB.

Mariin namang kinondena ni Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang point-to-point policy ng LTFRB na aniya’y malaking perwisyo sa mga pasahero.

Panawagan ni Inton na masu­sing busisiin ng LTFRB ang nasabing polisiya dahil maraming mapeperwis­yo hindi lamang mga driver kundi maging ang mga commuter.

Idinagdag pa nito na dapat ding tingnan ng LTFRB ang kapakanan ng mga mahihirapang commuter sa pagpapairal ng naturang memorandum. (Riz Dominguez)

The post P2P UV Express dagdag pahirap sa mga commuter appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *