P2M pabuya solo ng tipster sa pagdakip kay Ecleo

Tatanggap ng P2 milyon reward ang nag-iisang impormante sa pagkakadakip kay dating Dinagat Island Congressman at tinagurian ding Supreme Leader ng kultong Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA) na si Ruben Ecleo Jr., na nagtago sa batas sa loob ng 14 na taon.

p2m pabuya solo ng tipster sa pagdakip kay ecleo - P2M pabuya solo ng tipster sa pagdakip kay Ecleo
ecleo - P2M pabuya solo ng tipster sa pagdakip kay Ecleo

Tatanggap ng P2 milyon reward ang nag-iisang impormante sa pagkakadakip kay dating Dinagat Island Congressman at tinagurian ding Supreme Leader ng kultong Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA) na si Ruben Ecleo Jr., na nagtago sa batas sa loob ng 14 na taon.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major Gen. Debold Sinas, aayusin na sa lalong madaling panahon ang pagkuha ng reward money ng isang lalaking taga-Dinagat Island na siyang naging susi ng pagkakadakip kay Ecleo.

Umabot sa anim na buwan ang ginawang surveillance operation ng NCRPO bago ito nadakip kasama ang driver nitong si Benjie Relacion Fernan Huwebes ng madaling-araw habang patungo sa Beverly golf course sa Angeles City, Pampanga.

Pinag-utos ng korte ang pag-aresto kay Ecleo matapos mapatunayan noong 2006 na siya ay guilty sa graft and corruption kaugnay ng maanomalyang pagtatayo ng pampublikong palengke, gusali ng munisipyo at rehabilitasyon ng isang gusali na pag-aari ng kulto ng pamilya noong siya ay alkalde pa ng San Jose, Dinagat Island, Surigao del Norte.

Noong 2012, sinentensyahan din si Ecleo ng habambuhay na pagkabilanggo matapos mapatunayang guilty skaugnay ng pagpatay sa asawa nitong si Alona Bacolod-Ecleo sa kanilang bahay sa Cebu City noong 2002.

Samantala sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa na dahil sa pagkakadakip kay Ecleo may apat na pulis ang tatanggap ng promosyon. (Edwin Balasa).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *