P2M cellphone sinuwapang ng mga NTC exec

SINITA ng Commission on Audit(COA) ang pagbili ng mga high end cellphone ng National Telecommunications Commission (NTC) para gamitin sana ng kanilang mga engineers subalit lumitaw na mga director ng ahensya ang gumagamit.

The post P2M cellphone sinuwapang ng mga NTC exec first appeared on Abante.

p2m cellphone sinuwapang ng mga ntc exec - P2M cellphone sinuwapang ng mga NTC exec
abante ntc - P2M cellphone sinuwapang ng mga NTC exec

SINITA ng Commission on Audit(COA) ang pagbili ng mga high end cellphone ng National Telecommunications Commission (NTC) para gamitin sana ng kanilang mga engineers subalit lumitaw na mga director ng ahensya ang gumagamit.

Ayon sa COA bumili ang NTC ng 44 piraso ng Samsung Galaxy S9 noong 2018 at Samsung Galaxy S10 units noong 2019 na nasa P2.1 milyon bilang pinaka-top of the line cellphone sa nasabing taon.

Giit ng COA “excessive” ang pagbili ng mga ganitong cellphones kung gagamitin lamang sa internet speed, reliability at coverage.

Lumitaw sa audit ng COA na sa biniling mga cellphone units ng NTC ay 4 lamang ang ginagamit sa monitoring habang ang ibang unit ay pansariling gamit na ng mga opisyal ng ahensya.

“None of the central office personnel with issued mobile phones conducted validation and measurement of broadband speed as no mission orders were issued to them. Apparently, most of the mobile phones were issued to directors and officers-in-charge within NTC — officials who are not involved in broadband performance testing”ayon sa COA report.

Bilang depensa, inamin ng NTC na ang tunay na gumagamit ng cellphones ay ang directors gayunpaman ay ginagamit pa rin ito sa sa pagsuri ng broadband services bilang sila ay mga regular users.

Hindi naman kinagat ng COA ang depensa ng NTC dahil ang mga opisyal umano na gumagamit ng cellphones ay hindi naman nagsusumite ng actual reports para makita ang internet speed.(Tina Mendoza)

The post P2M cellphone sinuwapang ng mga NTC exec first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *