P2B atraso! DepEd talamak sa cash advance- COA

UMABOT sa 1.9B ang unliquidated cash advance ng Department of Education(Deped) mula sa Central Offices nito at 11 Regional Offices hanggang sa December 2019, ayon sa Commission on Audit(COA).

The post P2B atraso! DepEd talamak sa cash advance- COA first appeared on Abante.

p2b atraso deped talamak sa cash advance coa - P2B atraso! DepEd talamak sa cash advance- COA
abante coa - P2B atraso! DepEd talamak sa cash advance- COA

UMABOT sa 1.9B ang unliquidated cash advance ng Department of Education(Deped) mula sa Central Offices nito at 11 Regional Offices hanggang sa December 2019, ayon sa Commission on Audit(COA).

Ayon sa COA ang Region 5 ang may pinakamataas na unliquidated cash advance na nasa P445.5M. Sinundan ito ng Region 6, P411M habang ang Deped Central Office ay P101M.

Ang iba pang tanggapan na may unliquidated cash advances ay ang : Region 12 (P290.3 million); National Capital Region ( P158.9 million);Region 13 (P125.6 million); Region 4B (P93.9 million); Region 9 (P79.5 million);Region 1(P70 million); Region 10 (59.8 million) Region 3 (34.7 million);Region 8 ( P15.7 million);Region 2 ( P15.3 million);Region 11 ( P14.8 million) at Region 7 ( P4.7 million).

“The unliquidated cash advances included unsettled accountabilities due from retired/resigned/transferred/deceased former personnel of Regional Offices” ayon sa COA kung saan may mga unliquidated cash advances na inabot na ng 10 taon ay hindi pa nali-liquidate.

“The significant amount of unliquidated cash advances is a result of deficiencies on the granting, liquidation and monitoring of cash advances contrary to existing COA rules and regulations and DepEd guidelines relative thereto,”giit ng COA.

Inatasan ng COA ang Deped na sundin ang regulasyon ukol sa liquidation ng cash advances at atasan ang mga officers nito na regular ang gawing pag-liquidate ng mga cash advances upang hindi maipon at kung hindi susunod ay patawan ng multa o kasuhan.

“In case of failure to comply, DepEd should implement the withholding of salaries or any money due to them, including appropriate legal sanctions pursuant to Article 218 of the Revised Penal Code for failure to render accounts,” dagdag pa ng COA.

Bilang tugon sinabi ng Deped na kanilang susundin ang rekomendasyon ng COA at ipinaliwanag nito na ang DepEd Central Office ay isinasaayos na ang kanilang unliquidated cash advance na ngayon ay umaaabot na lamang sa P45.3M. (Tina Mendoza)

The post P2B atraso! DepEd talamak sa cash advance- COA first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *