P283M para sa itatayong ‘Virology Institute’

Aabot sa P283 milyon ang ilalaang pondo sa lilikhaing ‘Virology Institute of the Philippines’ (VIP) mula sa panukalang P4.5 trilyong budget ng pamahalaan na inaprubahan na ni Pangulong Duterte nitong nakaraang linggo.

The post P283M para sa itatayong ‘Virology Institute’ first appeared on Abante.

p283m para sa itatayong virology institute - P283M para sa itatayong ‘Virology Institute’
abante money - P283M para sa itatayong ‘Virology Institute’

Aabot sa P283 milyon ang ilalaang pondo sa lilikhaing ‘Virology Institute of the Philippines’ (VIP) mula sa panukalang P4.5 trilyong budget ng pamahalaan na inaprubahan na ni Pangulong Duterte nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, House Ways and Means Committee chairman at may-akda ng panukalang VIP bill (HB 6793) na inihain niya noong Mayo sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic, ang VIP ay magiging ‘research center’ sa paghanap ng gamot at iba pang tugon laban sa mga ‘virus.’

Binigyan-diin ng mambabatas na ‘co-chair’ din ng ‘Defeat COVID-19 Ad Hoc Committee,’ na ang panukalang halaga ay “preliminary” lamang at aalamin pa niya sa Department of Budget and Management (DBM) kung ito ay para lamang sa ‘capital expenses’ o kasama na ang pagbuo ng VIP.

“Tinatayang tatapusin ang pagtatayo ng mga pasilidad nito sa loob ng limang taon. Kung ganun, kailangang maitatag agad ang VIP upang mapasimulan na rin ang paghanap ng pundo at mga ugnayang pananaliksik nito. Kailangang mapasimulan din agad ang integrasyon nito sa industriya at mga balangkas pangkaularan ng bansa,” paliwanag ni Salceda.

“Nasa research and development’ ang hinaharap ng ekonomiya ng Pilipinas at nakikita natin ang mahalagang papel na gagampanan ng VIP. Halimbawa, sinasabing ang abaka ay mabisang ‘surgical mask filter.’ Ang ‘Virgin coconut oil’ naman ay sinasabing may maselang ‘therapeutic potential’ laban sa mga ‘throat virus’ at ang ‘metals extractive industry’ ay marami rin ang maidadagdag sa mga teknolohiya laban sa sakit,” dagdag pa nito.

Anang Albayanong solon, “Mahahalagang dahilan ito para maihanda natin ang VIP sa kailangang pagpaplano kahit itinatatag pa lamang ang mga pasilidad nito.”

The post P283M para sa itatayong ‘Virology Institute’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *