P234B lugi ng BOC pinasisilip sa NBI

NAIS paimbestigahan ng isang kongresista ang napaulat na P234 bilyong lugi ng Bureau of Customs (BOC) sa nakalipas na taon dahil sa ‘benchmarking’ at ‘tara’ systems.

p234b lugi ng boc pinasisilip sa nbi - P234B lugi ng BOC pinasisilip sa NBI
boc 2 - P234B lugi ng BOC pinasisilip sa NBI

NAIS paimbestigahan ng isang kongresista ang napaulat na P234 bilyong lugi ng Bureau of Customs (BOC) sa nakalipas na taon dahil sa ‘benchmarking’ at ‘tara’ systems.

Ayon kay Deputy Speaker at 1-SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta, ang benchmarking ang pinakamabilis na paraan sa ‘clearing and releasing shipment’ sa mga port of entry at pinalala ng tara system o suhulan mula sa mga importer at broker.

Sa ginawang pag-analisa ni Marcoleta sa data ng BOC, inipon niya ang perang nawala sa gobyerno mula Enero 2016 hanggang Nobyembre 2017.

Kabuuang P233.9 bilyong revenue ang nawala sa gobyerno sa panahong iyon.

Karaniwang ginagawa ay binabago ang halaga ng shipment, pinepeke ang commercial invoice at packing list na ginagamit na basehan ng broker sa komputasyon ng buwis

Hinikayat din niya National Bureau of Investigation at Bureau of Internal Revenue na magsagawa ng imbestigasyon at audit, partikular na sa 283 importer, 166 custom broker, 272 examiner at 145 appraiser. (JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *