P20M marijuana plantation winasak

NASA mahigit P20 milyon­ na marijuana plant at seedling ang sinira ng Simultaneous Anti-Crimi­nality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-Cor) sa bayan ng Benguet at Kalinga nitong nakaraang linggo.

p20m marijuana plantation winasak - P20M marijuana plantation winasak
ABANTE marijuana drugs act - P20M marijuana plantation winasak

NASA mahigit P20 milyon­ na marijuana plant at seedling ang sinira ng Simultaneous Anti-Crimi­nality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-Cor) sa bayan ng Benguet at Kalinga nitong nakaraang linggo.

Ayon sa PRO-Cor, noong nakaraan nasa 300 na seedling ng halamang ‘high grade’ marijuana na nagkakahalaga ng P12,000 ang sinira ng mga awtoridad sa Sitio Bacbacan, Brgy. Poblacion, Kibungan, Benguet.

Sa sumunod na araw, pinagbubunot at sinira din ng SACLEO ang 1,000 na fully grown na halaman ng marijuana sa halagang P200,000 sa Balbalnag, Brgy. Badeo, Kibungan, Benguet.

Sa report ng PRO-Cor, nakubkob ng mga operatiba ang 325 fully grown na marijuana na nagkakahalaga ng P65,000 habang 170 ‘fully grown’ na marijuana na nagkakahalaga ng P34,000 ang sinira sa sumunod na araw sa liblib na lugar ng Kayapa, Bakun, Benguet.

Ayon sa Dangerous Drug Board (DDB), sa operasyon na ginawa sa probinsya ng Benguet, umabot sa P311,000 ang nasakote sa mga illegal drugs.

Ayon naman sa Kaga­yan Police Station (KPS), ang mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cor (PDEA-Cor) ang nagwasak sa 80,000 fully grown na plantasyon ng marijuana at 30 kilo ng natuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P19.9 milyon.

Sa Brgy. Babanoy, Tanu­dan, nasa 300 plantasyon ng marijuana na nagkakahalaga P600,000 ang binunot ng mga awtoridad at 77,000 plantasyon at 30 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P19.3 million ang sinira sa tatlong araw na operasyon ng mga ope­ratiba sa Brgy. Bugnay at Tulgao, Tinglayan. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *