P20M BSP broadcasting studio itatayo sa QC

Magpapatayo ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng sariling professional media/video broadcasting studio na may P19.9 milyon budget.

The post P20M BSP broadcasting studio itatayo sa QC first appeared on Abante.

p20m bsp broadcasting studio itatayo sa qc - P20M BSP broadcasting studio itatayo sa QC
abante bsp 2 - P20M BSP broadcasting studio itatayo sa QC

Magpapatayo ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng sariling professional media/video broadcasting studio na may P19.9 milyon budget.

Ang broadcasting studio na pinaplano ng BSP ay itatayo sa security plant complex nito sa Quezon City.

Ang main office ng BSP ay sa Malate, Manila kung saan matatagpuan ang tanggapan ng mga Monetary Board members at kung saan din ginagawa ang karamihan sa mga conference ng BSP na dinadaluhan ng iba’t ibang mga dayuhan at negosyante.

Wala pang inilalabas na minutes ng pre-bid conference ang BSP para sa broadcast studio project nito sa Quezon City at wala ring notice of award or notice to proceed ang BSP para sa nagwagi sa kontrata. Kasama sa kontrata sa broadcasting studio ay ang pagpirma ng nondisclosure agreement sa proyekto.

Hindi sinagot ni BSP corporate affairs manager Elisha Lirios ang mga katanungan ng Abante tungkol sa tinatayong TV studio, mahigit dalawang linggo na ang nakalipas. (Eileen Mencias)

The post P20M BSP broadcasting studio itatayo sa QC first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *