P200M makinang panggawa ng pekeng yosi, nakumpiska sa Pangasinan

Nasa P206.6 milyong halaga ng makina at pekeng tax stamps ang nasabat sa ginawang pagsalakay sa isang planta sa Barangay Bacag, Villasis, Pangasinan.

p200m makinang panggawa ng pekeng yosi nakumpiska sa pangasinan - P200M makinang panggawa ng pekeng yosi, nakumpiska sa Pangasinan
fake machinery - P200M makinang panggawa ng pekeng yosi, nakumpiska sa Pangasinan

Nasa P206.6 milyong halaga ng makina at pekeng tax stamps ang nasabat sa ginawang pagsalakay sa isang planta sa Barangay Bacag, Villasis, Pangasinan.

Ayon sa Department of Finance (DOF) nitong Biyernes, Setyembre isinagawa ang operasyon kung saan 20 na makinang pang-imprenta ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P200 milyon habang P6.6 milyong halaga naman ng pekeng internal revenue stamps ang nakumpiska.

May nakuha ring mga tinta, roller, carton, straps at mga kemikal ang raiding team na binubuo ng BIR, mga pulis at lokal na pamahalaan ng Villasis.

Sabi ng DOF, sinampahan na ng reklamong kriminal ang tatlong Tsino sa Office of the Provincial Prosecutor sa Villasis para sa tax evasion case at sa pamemeke ng tax stamps.

Karamihan umano sa mga makinang ginagamit panggawa ng pekeng sigarilyo ay galing China.

Dagdag pa ng DOF, hindi na smuggling ng sigarilyo ang problema ngayon dahil sa loob ng bansa na mismo ginagawa ang mga pekeng sigarilyo gamit ang mga hindi rehistradong makina galing China. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *