P200B GOCC subsidy ilipat sa COVID, disaster relief

Mas makabubuting ilipat sa pagtugon sa pandemya at kalamidad ang bahagi ng P200 bilyon subsidya sa susunod na taon sa mga naluging government-owned and controlled corporations (GOCCs), ayon kay Senador Sherwin Gatchalian

The post P200B GOCC subsidy ilipat sa COVID, disaster relief first appeared on Abante.

p200b gocc subsidy ilipat sa covid disaster relief - P200B GOCC subsidy ilipat sa COVID, disaster relief
abante covid 6 - P200B GOCC subsidy ilipat sa COVID, disaster relief

Mas makabubuting ilipat sa pagtugon sa pandemya at kalamidad ang bahagi ng P200 bilyon subsidya sa susunod na taon sa mga naluging government-owned and controlled corporations (GOCCs), ayon kay Senador Sherwin Gatchalian

“Habang nagiging limitado ang pondo ng gobyerno dahil sa gastusin sa coronavirus pandemic, mas naging nakakabahala ang sitwasyon matapos ang sunod-sunod na pagtama ng mga bagyo na nag-iwan ng malaking pinsala sa atin,” mungkahi nito.

Sa isang budget hearing sa Senado, napag-alaman na may inilaang P201 bilyong subsidiya sa panukalang 2021 national budget para sa 118 GOCCs.

Binanggit ni Governance Commission for GOCCs (GCG) chairman Samuel Dagpin Jr. na ang ilan sa mga naluluging GOCCs ay inirekomenda na nilang buwagin at ang isa dito ay ang PNOC Renewables Corporation (PNOC RC), isang subsidiary ng Philippine National Oil Company (PNOC), na pitong taon nang hindi kumikita. (Dindo Matining)

The post P200B GOCC subsidy ilipat sa COVID, disaster relief first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *