P1B pork ni Bingbong hinahanap ng Kampil

HINAMON ng Kalipunan ng Masang Pilipino-QC chapter si Quezon City 1st district Congressman Bingbong Crisologo na ilantad sa publiko kung saan napunta ang halos P1 bil­yong pork barrel nito magmula nang maging mam­babatas.

The post P1B pork ni Bingbong hinahanap ng Kampil appeared first on Abante News Online.

p1b pork ni bingbong hinahanap ng kampil - P1B pork ni Bingbong hinahanap ng Kampil
Bingbong Crisologo - P1B pork ni Bingbong hinahanap ng Kampil

HINAMON ng Kalipunan ng Masang Pilipino-QC chapter si Quezon City 1st district Congressman Bingbong Crisologo na ilantad sa publiko kung saan napunta ang halos P1 bil­yong pork barrel nito magmula nang maging mam­babatas.

Ayon kay Ariel Casing, QC Kampil vice chairman, puro arkong bato lamang na may higanteng pangalan ni Crisologo ang nakikita ng publiko sa distrito nito. May mga waiting shed din na tadtad ng pangalan ni Crisologo subalit dilapidated at hindi na pinakikinabangan ng tao dahil sa mga dispalinghadong materyales.

Tahasang sinabi ng Kampil official na magmula 2004 hanggang 2013 ay naging kongresista na si Crisologo at muli itong bumalik sa posisyon noong 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Taon-taon, may P80 milyong budget allocation ang district representative o P240 milyon sa loob ng tatlong taon.

Tinukoy din ng Kampil ang pagkakasangkot ni Crisologo sa mala-Napoles pork scam matapos itong maglaan ng P8 milyon sa bogus NGO noong 2009.

Samantala, tinangkang hingan ng reaksyon si Crisologo sa apela ng Kampil pero bigo itong makontak.

The post P1B pork ni Bingbong hinahanap ng Kampil appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *