P19B anti-insurgency fund, SAP kakalakalin sa special session

Bubusiiin ng Senado ang mga kontrobersiyal na item tulad ng P19 bilyong anti-insurgency funds, kakulangan ng special amelioration program, salat na pondo ng Department of Health (DOH) at iba pa sa ilalim ng 2021 national budget.

The post P19B anti-insurgency fund, SAP kakalakalin sa special session first appeared on Abante.

p19b anti insurgency fund sap kakalakalin sa special session - P19B anti-insurgency fund, SAP kakalakalin sa special session
abante sap - P19B anti-insurgency fund, SAP kakalakalin sa special session

Bubusiiin ng Senado ang mga kontrobersiyal na item tulad ng P19 bilyong anti-insurgency funds, kakulangan ng special amelioration program, salat na pondo ng Department of Health (DOH) at iba pa sa ilalim ng 2021 national budget.

Ito ang inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kasabay ng hirit na magdaos ng special session sa Nobyembre 9 hanggang 13 para maaprubahan ang panukalang P4.5 trilyong national budget sa takdang oras.

Ito’y upang magkaroon din ng sapat na na oras ang Senado na makapagdebate sa 2021 General Appropriations Act sa plenaryo.

“We will debate on the budget from Nov. 9 to 13. We can finish it within five to seven days and allot two weeks for the bicam. Congress can send to Malacanang the 2021 GAA by the first week of December so that the President can sign it before January 1, 2021,” pahayag ni Drilon sa panayam sa DZBB.

Sabi ni Drilon, nakasaad sa Section 15, Article VI ng Konstitusyon na pinapayagan ng Pangulo na magpatawag ng special session anumang oras.

“Hindi pwedeng magkaroon ng reenacted budget. Dalawampung taon ko nang titiningnan ang budget, alam ko na ang sama ng epekto kapag nagkaroon ng reenacted budget lalo na ngayong may pandemya,” din ni Drilon.

Aniya, ang pagsasagawa ng special session ay isang “safety net” sakaling maantala ang pagdaraos ng bicam. (Dindo Matining)

The post P19B anti-insurgency fund, SAP kakalakalin sa special session first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *