P165B foreign investment sa PH binawi

Umaabot na sa $3.3 bilyon o P165 bilyon ang binawi ng mga foreign investors na pinuhunan nila sa stock market at sa money market ng bansa mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

p165b foreign investment sa ph binawi - P165B foreign investment sa PH binawi
investment - P165B foreign investment sa PH binawi

Umaabot na sa $3.3 bilyon o P165 bilyon ang binawi ng mga foreign investors na pinuhunan nila sa stock market at sa money market ng bansa mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas , ang P165 bilyong binawing investments ay sa kabuuan. May pinasok na $5.7 bilyon o P285 bilyong puhunan ang mga dayuhan mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon ngunit nasa $9 bilyon o P450 bilyon naman ang kanilang binawi.

Ayon sa datos ng BSP, $6.8 bilyon o P337 bilyon ang investments na binawi ng mga dayuhan sa stock market at $2.2 bilyon o P111.4 bilyon naman ang binawi sa mga pinuhunan sa government securities o pangungutang ng pamahalaan.

Maraming mga investors ang nagrerepaso ng kanilang estratehiya dahil apektado ang buong mundo ng COVID-19 pandemic.

Para sa ilang foreign investors, mas komportable silang kuhanin ang mga investments nila sa ibang mga bansa para ilipat sa kanilang sariling bansa. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *