P15K pautang kinagat ng 1K magsasaka

Mahigit 1,000 ang kumagat sa P15,000 pautang ng Land Bank of the Philippines sa Zaragosa at iba pang bayan ng Nueva Ecija.

p15k pautang kinagat ng 1k magsasaka - P15K pautang kinagat ng 1K magsasaka
landbank - P15K pautang kinagat ng 1K magsasaka

Mahigit 1,000 ang kumagat sa P15,000 pautang ng Land Bank of the Philippines sa Zaragosa at iba pang bayan ng Nueva Ecija.

Ang pautang ay bahagi ng SURE-Aid program o Expanded Survival and Recovery Assistance Program for Rice Farmers, ayon sa Department of Agriculture (DA) kahapon.

Sabi ni Agriculture Secretary William Dar, pinadali ng Agriculture Credit Policy Council ang pagproproseso sa pautang kaya’t natatapos na ito sa loob lamang ng tatlong oras.

Ang pautang ay walang interes o kolateral, at mababayaran sa loob ng walong taon.

Aminado si Dar na pang mabilisang solusyon lamang ito pero kampante siya na may kabuluhan ito pangmatagalan.

Isa lamang ang pautang ng LandBank sa inilalatag para tulungan ang mga magsasaka. May mga programa rin para hikayatin ang mga provincial governments na direkta nang bumili ng palay sa magsasaka para sila na ang magpatuyo, maggilik, at magbenta.

(Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *