P14B iniwang perwisyo ni `Rolly’

Umakyat na sa P14 bilyon ang halaga ng mga pinsalang dulot ng nagdaang super bagyong `Rolly’ sa mga pananim at imprastraktura sa bansa, base sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes.

The post P14B iniwang perwisyo ni `Rolly’ first appeared on Abante.

p14b iniwang perwisyo ni rolly - P14B iniwang perwisyo ni `Rolly’
Rolly - P14B iniwang perwisyo ni `Rolly’

Umakyat na sa P14 bilyon ang halaga ng mga pinsalang dulot ng nagdaang super bagyong `Rolly’ sa mga pananim at imprastraktura sa bansa, base sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, tinatayang nasa P11,228,895,685 ang pinsala sa mga imprastraktura sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Eastern Visayas, Cordillera Administrative Region (CAR) at sa National Capital Region (NCR).

Nasa P2,924,837,533 naman ang iniwang pinsala ng bagyo sa agrikultura na iniulat mula sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Eastern Samar, gayundin sa NCR.

Umabot naman umano sa 53,747 ang kabahayang sinira ng bagyo habang nasa 22 katao ang nasawi pero kinukumpirma pa ito ng NDRRMC. (PNA)

The post P14B iniwang perwisyo ni `Rolly’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *