P107B Megawide – Saavedra deal umalingasaw

Pinaiimbestigahan ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles sa Anti – graft Task Force ang nabistong P107 bilyong ‘Megawide scandal’ na nauna na ring nakuwestiyon sa Kamara.

The post P107B Megawide – Saavedra deal umalingasaw first appeared on Abante.

p107b megawide saavedra deal umalingasaw - P107B Megawide – Saavedra deal umalingasaw
megawife - P107B Megawide – Saavedra deal umalingasaw

Pinaiimbestigahan ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles sa Anti – graft Task Force ang nabistong P107 bilyong ‘Megawide scandal’ na nauna na ring nakuwestiyon sa Kamara.

Kung matatandaan ang Indian conglomerate GMR – Megawide ng bilyonaryong si Edgar Saavedra ang nakakuha ng kontrata para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngunit kinuwestiyon ni Nograles ang financial capacity ng kompanya para sa naturang proyekto.

Sa sulat ni Nograles kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hiniling nitong silipin ang naturang eskandalo bilang bahagi ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ahensiya na imbestigahan ang mga katiwalian sa gobyerno partikular ang mga kontratang nagkakahalaga ng mula P1 bilyon.

Partikular na nais ipakalkal ng kongresista kung bakit patuloy pa rin tinatamasa ng kompanya ang Original Proponent Status (OPS)mula sa MIAA gayong nakita na ng NEDA na ang proposal nito ay kulang o hindi sapat noong Agosto pa.

“The continued enjoyment of OPS ,among other questionable actions, is a clear violation of R.A. 3019,” ayon kay Nograles.

Ang kahina-hinalang proyektong pinabubusisi sa mega task force ay nagkakahalaga ng P107B pero nalantad sa pagdinig sa Kamara na mayroon lamang P17.9B asset ang Megawide.

Nauna na ring binanggit ni Nograles na sumulat ito kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade para ipabatid ang concern sa isyu vs Megawide.

Pinaalalahanan din nito si Tugade na sa ilalim ng Republic Act 6957 o BOT Law bilang amyenda sa RA 7718 kung saan kailangang ang private sector proponent ay may sapat na financial base para isakatuparan ang proyekto.

Binigyang-diin ni Nograles na nakahanda ang kanyang tanggapan na makipagtulungan sa ahensiya sa anumang kailangan nitong impormasyon kaugnay sa mga nabanggit na eskandalo.(Eralyn Prado)

The post P107B Megawide – Saavedra deal umalingasaw first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *