P100M ibubuhos ng DA sa pederasyon ng magsasaka

PINANGAKUAN umano ni outgoing Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ng tulong na P100  milyon ang bubuuing pederasyon ng mga maliliit na magsasaka upang maging ganap na ‘agripre­nuers’.

The post P100M ibubuhos ng DA sa pederasyon ng magsasaka appeared first on Abante News Online.

p100m ibubuhos ng da sa pederasyon ng magsasaka - P100M ibubuhos ng DA sa pederasyon ng magsasaka
abante pinol - P100M ibubuhos ng DA sa pederasyon ng magsasaka
PINANGAKUAN umano ni outgoing Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ng tulong na P100  milyon ang bubuuing pederasyon ng mga maliliit na magsasaka upang maging ganap na ‘agripre­nuers’.
 
Nabatid ng Abante kay Danilo Bolos, provincial chairman ng Agriculture and Fisheries Mechanization Council, na ang naturang halaga ay maipagkakaloob sa iaakreditong 25 grupo ng mga magsasaka sa Nueva Ecija.
 
Ilalaan ang pondo sa pambili ng aning palay ng mga magsasaka na sadyang naapektuhan ng bagsak presyo ng palay bunga ng epekto ng Rice Tarrification Law.
“Layunin namin bilhin ang ani ng maliit na magsasaka ng mas mataas ng dalawang piso kesa sa presyo ng mga trader. Kung presyuhan sa palay ay P11 kada kilo, gagawin naming P13. Kung presyuhan ay P13, sa amin ay P15, basta two peso higher” ani Bolos.
 
Manggagaling umano ang pondo sa Land Bank of the Philippines, na matatandaang kinalabit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA ukol sa pagtulong sa mga magsasaka.
 
Pipilitin umanong mabuo ang pederasyon sa Agosto upang mai-release ang P100 milyon sa Septyembre upang mapaghandaan ang pamimili ng palay sa anihan ng palay sa Oktubre. (Jojo de Guzman)

The post P100M ibubuhos ng DA sa pederasyon ng magsasaka appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *