P1 bawas presyo sa produktong petrolyo inilarga

GOOD news para sa mga motorista­ ang sasalubong sa susunod na linggo.

The post P1 bawas presyo sa produktong petrolyo inilarga appeared first on Abante News Online.

p1 bawas presyo sa produktong petrolyo inilarga - P1 bawas presyo sa produktong petrolyo inilarga
abante petrolyo - P1 bawas presyo sa produktong petrolyo inilarga

GOOD news para sa mga motorista­ ang sasalubong sa susunod na linggo.

Ito ay bunsod ng ipatutupad na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Gayunman ay nanguna na ang Phoenix Petroleum na nagbawas sa presyo ng kanilang produkto epekti­bo kahapon.

Piso kada litro sa gasolina habang P0.80 kada litro naman sa diesel na epektibo ng alas-12:00 nang tanghali kahapon, Mayo 4.

Inaasahan naman ang pagsunod ng iba pang kompanya ng langis sa pangunguna ng ‘Big 3’ na kinabibilangan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation at Chevron gayundin ang Flying V at PTT Philippines sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo sa Martes (Mayo 7).

Ang bagong price rollback sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Ayon sa Phoenix layunin ng maagang oil rollback na bigyan ang publiko partikular ang mga motorista ng mas mababang presyo ng petrolyo ng mahabang panahon.

Magugunitang nitong Abril 2, huling nagbaba ng 30 sentimo sa diesel,­ 20 sa kerosene at 10 sentimo sa gasolina. (Armida Rico)

The post P1 bawas presyo sa produktong petrolyo inilarga appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *