P 282M iniwang pinsala ng Batanes quake

TINATAYANG nasa P282 milyong halaga ang naiwang pinsala na naitala sa Batanes mula sa sunod-sunod na pagyanig nitong Sabado.

p 282m iniwang pinsala ng batanes quake - P 282M iniwang pinsala ng Batanes quake
ABANTE batanes 2 - P 282M iniwang pinsala ng Batanes quake

TINATAYANG nasa P282 milyong halaga ang naiwang pinsala na naitala sa Batanes mula sa sunod-sunod na pagyanig nitong Sabado.

Ito ang naitala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula sa kanilang paglilibot sa lugar na tinamaan ng lindol na umabot sa 953 gusali.

Batay sa kanilang datos, nasa 185 mga gusali ang hindi na maaaring gamitin. Nasa 81 gusali naman ang kailangan munang ayusin bago ito mu­ling magamit, at 687 ang maaari namang balikan ng mga residente.

Sa ngayon, binigyan muna ang mga residente na hindi pa maaaring makabalik sa kanilang tirahan ng mga construction material para sa kanilang pansamantalang tirahan, habang kinukumpuni at inaayos ang kanilang mga tahanan.

Nabatid na karamihan sa istruktura sa Batanes ay gawa sa bato ang mga bahay upang hindi mapinsala sa tuwing dumadaan ang madalas na bagyo sa lugar.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagmo-monitor ng DPWH at tumutulong sa iba pang pangangaila­ngan ng mga apektado ng lindol. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *