P 254M libro ng DepEd depektibo – COA

DEPEKTIBO ang mga Grade 3 textbook na binili ng Department of Education (DepEd) dahil sa mga grammatical at factual error, ayon sa 2018 audit report ng Commission on Audit (COA).

p 254m libro ng deped depektibo coa - P 254M libro ng DepEd depektibo – COA
textbooks - P 254M libro ng DepEd depektibo – COA

DEPEKTIBO ang mga Grade 3 textbook na binili ng Department of Education (DepEd) dahil sa mga grammatical at factual error, ayon sa 2018 audit report ng Commission on Audit (COA).

“The existence of error-filled learning materials is an indication that the meticulous checking/review/evaluation processes of the manuscripts were not undertaken by the concerned bureaus before its mass production,” ayon sa report.

Natuklasan ng mga state auditor na ang mga libro sa Araling Panlipunan, Science at English na binili sa halagang P254 at dineliber sa pagitan ng 2015 at 2016 ay naglalaman ng mga error na posibleng makaapekto sa edukasyon ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa buong kapuluan.

Nagtataka ang COA kung bakit bumili ng depektibong libro ang DepEd gayung dumadaan ito sa three-step review.

Sa kabila nito, nireklamo ng mga guro sa state auditor na ang mga librong pinamigay ng DepEd ay hindi angkop sa curriculum guidelines kaya’t napilitan silang maghagilap ng libro sa mga pribadong eskuwelahan at sa internet.

Natuklasan din ng auditing agency na kinontra ng DepEd ang Republic Act No. 8047 o ang Book Publishing Industry Development Act sa pagkuha ng mga kinukuwestyong libro.

“Clearly, this is a circumvention of Sections 10 and 11 of RA No. 8047 which prevented the Department from publishing and distri­buting its own textbook, instead of allowing the private publishers to produce and supply the textbook requirements of every public school in the country,” ayon sa COA.

Sa panahon ni da­ting Education Secretary Armin Luistro pa nangyari ang mga kinukuwest­yong depektibong libro.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Senador Sonny Angara sa natuklasan ng COA
“How do we expect our youth to be prepared for college and to find decent jobs later on in life when they’re not getting the best education that they deserve in grade school and high school,” diin ni Angara.

(Yves Briones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *