OWWA P250M utang sa quarantine

Nanganganib malugi at tuluyang magsara ang 20 hotel sa Metro Manila kung hindi pa umano mababayaran ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang utang nitong P250 milyon dahil sa paggamit sa nasabing mga establisamyento bilang quarantine facility ng mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFW).

The post OWWA P250M utang sa quarantine first appeared on Abante.

owwa p250m utang sa quarantine - OWWA P250M utang sa quarantine
ofw 2 - OWWA P250M utang sa quarantine

Nanganganib malugi at tuluyang magsara ang 20 hotel sa Metro Manila kung hindi pa umano mababayaran ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang utang nitong P250 milyon dahil sa paggamit sa nasabing mga establisamyento bilang quarantine facility ng mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFW).

Sinabi ni Christine Urbanozo-Ibarreta, presidente ng Hotel Sales and Marketing Association (HSMA) sa CNN na wala silang intensyong hiyain ang OWWA sa pagsasapubliko sa utang nito sa kanilang samahan pero kailangan din nilang magpatuloy sa operasyon para mabayaran ang kanilang mga empleyado at supplier.

Nais din umano nilang makatulong sa mga itinuturing na bagong bayani ng bansa pero hinihiling din nila ang konsiderasyon ng OWWA at bayaran sila sa oras.

Tumanggi naman itong tukuyin ang 20 hotel upang maprotektahan ang imahe at pangalan ng mga ito.

“We are just in the level of staying afloat, if there are no more funds to buy necessary supplies like food and sanitation kits, it would be difficult to operate,” dagdag ni Ibarreta.

Samantala, sinabi ni OWWA administrator Hans Cacdac na nakabayad na sila P2.3 bilyon at nire-review umano nila ang kanilang mga dokumento para malaman kung may mali sa kanilang komputasyon.

“We shall work on the list given and pay allowable expenses within 7 days,” ani pa ni Cacdac.

Noong Oktubre 21, iniulat ng labor department na umaabot sa 6,000 OFW ang hindi makauwi at stranded sa 120 hotel sa Metro Manila dahil sa pagkaantala sa resulta ng kanilang COVID-19 test. (Mia Billones)

The post OWWA P250M utang sa quarantine first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *