OWWA may tulong pinansyal sa mga OFW na nilindol

MAKAKATANGGAP ng tulong pinansyal ang lahat ng overseas Filipino worker (OFW) na naapektuhan ng lindol sa pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

owwa may tulong pinansyal sa mga ofw na nilindol - OWWA may tulong pinansyal sa mga OFW na nilindol
OFW 6 - OWWA may tulong pinansyal sa mga OFW na nilindol

MAKAKATANGGAP ng tulong pinansyal ang lahat ng overseas Filipino worker (OFW) na naapektuhan ng lindol sa pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon sa OWWA ang tulong pinansyal ay ibibigay­ matapos mapagkasunduan ng board para mapabilis at maipang-ayuda sa mga OFW na napinsala ang mga ari-arian dulot ng lindol.

Ang nasabing halaga ng financial assistance ng OWWA ay makukuha ng mga aktibong miyembro.

Panawagan ng ahensiya, agad makipag-ugna­yan ang mga OFW na miyembro sa pinakamalapit na tanggapan o sangay ng OWWA para makuha ang nasabing ayuda.
Sinabi pa ng OWWA na mayroon silang itinalagang mga empleyado na mag-aasikaso sa mga OFW na bibigyan ng tulong pinansyal. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *