Overseas absentee voting sinuspinde sa Syria, Iraq at Libya

INIANUNSIYO ng Commission on Elections (Come­lec) na hindi nagsagawa ng overseas absentee voting (OAV) sa Damascus, Syria; Baghdad, Iraq at Tripoli sa Libya dahil sa nagaganap na kaguluhan.

The post Overseas absentee voting sinuspinde sa Syria, Iraq at Libya appeared first on Abante News Online.

overseas absentee voting sinuspinde sa syria iraq at libya - Overseas absentee voting sinuspinde sa Syria, Iraq at Libya
abante ob - Overseas absentee voting sinuspinde sa Syria, Iraq at Libya

INIANUNSIYO ng Commission on Elections (Come­lec) na hindi nagsagawa ng overseas absentee voting (OAV) sa Damascus, Syria; Baghdad, Iraq at Tripoli sa Libya dahil sa nagaganap na kaguluhan.

Nabatid na opisyal ng nagsimula ang OAV kahapon para sa May 13 midterm election.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na hindi pa alam ng Comelec kung kailan idaraos ang halalan sa mga nabanggit na lugar.

Magugunita na kamakailan ay nagpatupad ng total deployment ban ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Libya, habang patuloy pa rin ang kaguluhan sa Syria at Iraq.

Aabot sa may may 1.8 milyong overseas Filipino worker (OFW) ang inaasahang makikiisa sa OAV, na magtatagal ng isang buwan, o simula Abril 13 hanggang sa Mayo 13, na siyang araw mismo ng halalan.

Binuksan umano ang 83 embassy at post kung saan maaaring bumoto ang mga overseas absentee voter.

Nalaman na 41 embahada ang gagamit ng mga vote counting machine (VCM), kabilang dito ang New York, San Francisco, Calgary, Hong Kong, Taipei, Singapore, Seoul, London, Madrid at Dubai.

Samantala, ang iba pang mga post ay magkakaroon naman ng manual o mano-manong halalan, na maaaring ipadaan sa personal voting o ‘di kaya ay postal service.

Nabatid na gagamitin naman sa Paris, Mexico at Berlin ang personal voting, habang postal voting naman sa Jakarta, Vatican at New Delhi.

Nabatid na ang pinakamaraming bilang ng mga overseas voter ay matatagpuan sa Middle East at Africa (887,744 voter), kasunod ang Asia-Pacific (401,390), North at Latin America (345,415) at Europe (187,624).

Kaugnay nito, hinimok pa rin ni Jimenez, ang mga overseas absentee voter na lumahok at bumoto sa eleksyon.

Iboboto lamang sa OAV ang 12 Senador at isang party-list group. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Overseas absentee voting sinuspinde sa Syria, Iraq at Libya appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *