Ospital nasunog, 10 coronavirus patient dedo

Nasawi ang 10 pasyente ng COVID-19, makaraang masunog ang isang ospital sa Romania kamakalawa.

The post Ospital nasunog, 10 coronavirus patient dedo first appeared on Abante.

ospital nasunog 10 coronavirus patient dedo - Ospital nasunog, 10 coronavirus patient dedo
abante fire - Ospital nasunog, 10 coronavirus patient dedo

Nasawi ang 10 pasyente ng COVID-19, makaraang masunog ang isang ospital sa Romania kamakalawa.

Batay sa ulat, nagsimula ang apoy sa intensive care ward para sa mga coronavirus patient sa pampublikong ospital sa Piatra Neamt City, kung saan 16 na pasyente ang nasa-artificial ventilation. Bukod sa mga nasawi, pito pa ang nagtamo ng malubhang pagkasunog.

Sa pahayag ni Health Minister Nelu Tataru, posible diumanong mula sa short circuit ang ugat ng pagsiklab ng apoy. Ayon sa pamunuan ng ospital, sinubukan ng doktor na naka-duty na sagipin ang mga pasyente. Gayunman, nagtamo ito ng hanggang second-degree burn sa 80 ng kanyang katawan at nasa kritikal na kondisyon.

Mayroon na umanong higit 350,000 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Romania at higit 8,000 naman na nasawi.

The post Ospital nasunog, 10 coronavirus patient dedo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *