Oras ng biritan sa Antipolo hinigpitan

Hinigpitan ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City ang kantahan o mga sesyon ng videoke kasunod ng pagbubukas ng klase sa mga eskuwelahan.

The post Oras ng biritan sa Antipolo hinigpitan first appeared on Abante.

oras ng biritan sa antipolo hinigpitan - Oras ng biritan sa Antipolo hinigpitan
videoke - Oras ng biritan sa Antipolo hinigpitan

Hinigpitan ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City ang kantahan o mga sesyon ng videoke kasunod ng pagbubukas ng klase sa mga eskuwelahan.

Maari na lang mag-videoke mula alas-6:00 ng gabi hanggang alas-9:00.

Sa ilalim ng City Ordinance 2020-964, papatawan ng P1000 na penalty sa unang paglabag, P2000 sa ikalawang paglabag, at P5000 sa ikatlong paglabag na may 6 buwang pagkakakulong.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andeng Ynares, ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na makapag-aral ng tahimik at mapayapa. Malaking tulong din ito aniya sa mga work from home na mga magulang o indibidwal.

“Kasabay ng pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan ngayong buwan, (bukod pa po sa mga work from home nating mga kababayan), pinapaalalahanan po ang lahat na meron po tayong umiiral na bagong ordinansa patungkol sa operation hours o paggamit ng videoke sa ating lungsod,” ayon sa FB post ni Mayora Ynares.

Umaasa naman ang lokal na pamahalaan na agad itong ipapatupad sa lalong madaling panahon ng mga pulis at barangay.

Humihingi rin ng tulong si Mayora Ynares sa mga residenrte, para matiyak ang katahimikan sa pag-aaral ng mga estudyante.

“Inaasahan po ang buong suporta at kooperasyon ng ating mga kababayan. Inaasahan din po ang Kapulisan at Barangay officials na mahigpit na ipapatupad po ito” pagtatapos ni Mayora Ynares.

Nilinaw naman ni Mayora Ynares na para sa mga business establishments na nasa commercial zone na papayagan lamang ito kung ito ay “enclosed at soundproof.”

“Pinapahintulutan ito mula 12:00 ng tanghali hanggang 12:00 ng hating gabi. Maaari mag-extend hanggang 2:00 AM, kung araw ng Sabado, bisperas ng opisyal o holidays at town fiesta,” sabi pa ni Mayora Ynares.

The post Oras ng biritan sa Antipolo hinigpitan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *