Opisyal takot sa marupok na upuan

SINO daw itong opisyal ng gobyerno ang may tagasuri ng upuan upang makasiguro lamang na safe itong gamitin?

opisyal takot sa marupok na upuan - Opisyal takot sa marupok na upuan
kartada11 1 - Opisyal takot sa marupok na upuan

SINO daw itong opisyal ng gobyerno ang may tagasuri ng upuan upang makasiguro lamang na safe itong gamitin?

Base sa natisod na info ng Tonite, nang dumalo daw sa budget hearing sa Kamara itong bigating opisyal ng gobyerno, unang pumasok sa function room ang mga tauhan nito.

Isa-isa daw sinuri ang upuan at dalawa lamang ang pumasa sa kanilang standard para magamit ng kanilang boss.

May katabaan kasi ang opisyal at hindi uubra sa kanya ang monobloc kaya’t kailangan ang medyo malapad na upuan.

Ito daw ang palaging ginagawa ng mga tauhan ng opisyal kapag may dinadaluhang event ang kanilang boss.

Pintahan niyo na. Ang opisyal na may tagasuri ng upuan ay madalang masalang sa interview at may letrang M sa kanyang pangalan as in Monobloc.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *