Opisyal atat umupo sa Kamara

kartada

HINDI pa man napoproklama, atat nang magtrabaho sa Lower­ House ang isang kaalyado ng administrasyon.

The post Opisyal atat umupo sa Kamara appeared first on Abante News Online.

opisyal atat umupo sa kamara - Opisyal atat umupo sa Kamara
kartada11 - Opisyal atat umupo sa Kamara

HINDI pa man napoproklama, atat nang magtrabaho sa Lower­ House ang isang kaalyado ng administrasyon.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na humagupit agad ang hanging Habagat nang ipagmalaki nito ang posisyon sa social media.

Aba’y ipost ba naman sa kanyang Facebook account na siya ay incoming congressman.

Marami nga daw ang nagtaas ng kilay sa pagbubuhat ng bangko ng opisyal, mistulang nagbibilang na agad ng sisiw kahit hindi pa napipisa ang itlog.

Paano naman kasi, may kuwestiyon pa sa nominasyon ng opisyal as in puwede pang mabulilyaso ang pag-upo nito bilang congressman.

Pintahan niyo na. Ang opisyal na atat nang maupo sa Kamara ay dikit sa administrasyon at may letrang R sa pangalan as in Representative.

The post Opisyal atat umupo sa Kamara appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *