Opisyal atat sa biyahe sa abroad

USAP-USAPAN ngayon sa mga sulok ng Malacañang itong opisyal na appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga nakakatawag-pansin na mga larawan nito sa kanyang social media account sa mga biyahe nito sa abroad.

opisyal atat sa biyahe sa abroad - Opisyal atat sa biyahe sa abroad
kartada11 1 - Opisyal atat sa biyahe sa abroad

USAP-USAPAN ngayon sa mga sulok ng Malacañang itong opisyal na appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga nakakatawag-pansin na mga larawan nito sa kanyang social media account sa mga biyahe nito sa abroad.

Paano naman kasi, mistulang turista kung makapag-post ng mga kuhang la­rawan itong opis­yal sa mga pinupuntahang lugar na kuntodo pose na akala mo namamasyal lang at hindi official business ang pakay.

Itong si Presidential appointee ay naunang bumiyahe sa bansang pupuntahan ni Pangulong Duterte nga­yong linggong ito pero hindi nilinaw kung kabilang siya sa advance party ng Presidente.

Kahit naman kasi hindi biyahe ng Pangulo ay nauuna ito ng isang linggo sa abroad gaya na lamang noong biyahe sa Amerika kung saan sabay-sabay sana sila ng grupong bibiyahe subalit nagkaroon ng konting aberya pero si Atey, lumarga talaga at isang linggong naghintay sa lugar ni Uncle Sam.

Tanong ng mga taga-Palasyong asungot, kasama kaya sa bayad ‘yung isang linggong advance niya at puro pasyal lang muna umano ang ginawa bago ang trabaho? Well, wala pang sagot hanggang ngayon.

Pintahan n’yo na. Anak ito ng kaibigan ng Pangulo at dating nasa isang malaking ahensiya bago nalipat sa Malacañang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *