Online selling rerendahan sa mga peke

Dapat paigtingin pa ang mga patakaran sa online na negosyo kaugnay ng pagbibigay ng proteksyon sa mga mamimili lalo na sa mga nagogoyo ng online sellers, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

The post Online selling rerendahan sa mga peke first appeared on Abante.

online selling rerendahan sa mga peke - Online selling rerendahan sa mga peke
abante online 3 - Online selling rerendahan sa mga peke

Dapat paigtingin pa ang mga patakaran sa online na negosyo kaugnay ng pagbibigay ng proteksyon sa mga mamimili lalo na sa mga nagogoyo ng online sellers, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Kasabay ng pag-usbong ng mga negosyo sa online bunsod ng pagpapatupad ng lockdown ay ang pagdami din ng mga binebentang pekeng produkto, bagay na ikinababahala ni Gatchalian.

“Kailangang palakasin natin ang consumer protection sa ganitong panahon na halos sa online na ang pamimili ng karamihan at dumarami ang mga nagbebenta ng mga counterfeit items o pekeng produkto,” ayon kay Gatchalian, na nagsusulong ng Senate Bill No. 1591 o ang panukalang Internet Transactions Act.

Dismayado ang senador, sa kawalan ng batas na magpaparusa laban sa mga mapanlinlang na online sellers.

“Dapat masolusyunan ito. Kung hindi mabawasan, ay mapigilan ang pagpasok sa ating merkado ng mga pekeng produkto o mga produkto na malaki ang pagkakaiba sa naiprisinta sa online market,” sabi ni Gatchalian.

Aminado din ang senador hindi madaling matukoy ang ibang online sellers dahil sa lawak ng merkado ng online business na sinang-ayunani ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo. (Dindo Matining)

The post Online selling rerendahan sa mga peke first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *