One-way EDSA, C-5 dead end sa MMDA

MISTULANG pumasok sa ‘dead end’ ang mungka­hing gawing one-way ang EDSA at C-5 Road dahil mismong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay hindi naniniwalang pasok ang ganitong sistema sa dalawang pangunahing kalsada sa Metro Manila.

one way edsa c 5 dead end sa mmda - One-way EDSA, C-5 dead end sa MMDA
MMDA - One-way EDSA, C-5 dead end sa MMDA

MISTULANG pumasok sa ‘dead end’ ang mungka­hing gawing one-way ang EDSA at C-5 Road dahil mismong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay hindi naniniwalang pasok ang ganitong sistema sa dalawang pangunahing kalsada sa Metro Manila.

“Ang EDSA and ang C-5 ay hindi naman sila designed for one-way scheme. Also matatandan natin na ang EDSA ay mayroong MRT. Ang MRT po natin may bumababa from the south may bumababa sa north,” paliwanag ni MMDA traffic official Bong Nebrija.

Nauna rito ay itinulak ni Fernando Guevarra, president ng Guevarra & Partners Inc. engineering firm, na ang EDSA ay gamitin para sa nagbibiyahe patungong katimugan habang ang C-5 ay gamitin ng mga nagbibiyahe patungong hilaga.

Tinawag namang “stupid” at nakakatawa ni traffic engineer Rene Santiago ang panukala.

Ngunit ayon kay Senate President Vicente Sotto III, bukas siya sa nasabing panukala.

“It might be worth the try. Almost all roads in Singapore are one way. All traffic go circular,” saad ni Sotto. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *