‘One strike policy’ vs palpak sa BI kasado

Ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang one-strike policy sa pinaigting nitong kampanya laban sa katiwalian, sabi ni Commissioner Jaime Morente.

The post ‘One strike policy’ vs palpak sa BI kasado first appeared on Abante.

one strike policy vs palpak sa bi kasado - ‘One strike policy’ vs palpak sa BI kasado
abante bi 1 - ‘One strike policy’ vs palpak sa BI kasado

Ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang one-strike policy sa pinaigting nitong kampanya laban sa katiwalian, sabi ni Commissioner Jaime Morente.

Ayon sa komisyuner ng BI, inatasan niya ang bagong tatag na Board of Discipline na maingat na “suriin ang mga reklamo at ulat laban sa mga nagkakamaling tauhan” at kung napatunayang may merito, agad irekomenda sa Department of Justice (DoJ) ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa kanila.

Base sa rekord, na mula 2016, 131 na tauhan ang nasuspinde, naalis, at ibinaba dahil sa iba’t ibang mga pagkakasala.

Sa ilalim ng one-strike policy, ang mga nagkakamali na empleyado na inirereklamo at iniimbestigahan ay agad na aalisin sa kanilang mga posisyon.(Mina Aquino)

The post ‘One strike policy’ vs palpak sa BI kasado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *