One seat distansiya sa public transpo inaprub

Maaari nang magsakay ng mas maraming pasahero ang mga public utility vehicle (PUV) matapos na aprubahan ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang one-seat-apart sa mga pampublikong sasakyan.

The post One seat distansiya sa public transpo inaprub first appeared on Abante.

one seat distansiya sa public transpo inaprub - One seat distansiya sa public transpo inaprub
abante bus - One seat distansiya sa public transpo inaprub

Maaari nang magsakay ng mas maraming pasahero ang mga public utility vehicle (PUV) matapos na aprubahan ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang one-seat-apart sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang rekomendasyon ay parte ng mungkahi ng economic cluster kasunod ng pitong buwan na community quarantine sa bansa.

“Inaprubahan po ng gabinete na sa pampublikong transportasyon, one seat apart na po ang distansya,” ani Roque.

Ang dating physical distancing na itinakda sa mga public transportation ay isang metro dapat ang layo ng mga pasahero sa isa’t isa.

Bukod pa sa pagbabawas ng distancing, ginawa na ring 50 percent mula sa dating 30 percent ang operationg capacity ng mga tren.

Dadagdagan din ang papayagang makabiyahe na mga provincial bus, motorcycle taxi at TNVS. (RP)

The post One seat distansiya sa public transpo inaprub first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *