Olivarez pinarangalang ‘Most Outstanding Mayor for 2019’

PINARANGALAN ng Superbrands Marke­ting International, Inc. (SMI) si Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez bilang ‘Most Outstanding Mayor for 2019’ sa buong Metro Manila noong Biyernes sa Lungsod ng Makati.

The post Olivarez pinarangalang ‘Most Outstanding Mayor for 2019’ appeared first on Abante News Online.

olivarez pinarangalang most outstanding mayor for 2019 - Olivarez pinarangalang ‘Most Outstanding Mayor for 2019’
olivares - Olivarez pinarangalang ‘Most Outstanding Mayor for 2019’

PINARANGALAN ng Superbrands Marke­ting International, Inc. (SMI) si Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez bilang ‘Most Outstanding Mayor for 2019’ sa buong Metro Manila noong Biyernes sa Lungsod ng Makati.

Sa The City Club na ginanap ang pagbibigay parangal kay Mayor Olivarez dahil sa matagumpay na programa na inilunsad ang “Bagong Parañaque” na naglalayong tugunan ang problema sa edukasyon, bawasan ang kahirapan, magbigay ng trabaho, magkaroon ng magandang gobyerno at iba pang programang makakatulong sa bansa.

Sa ilalim ng pamumuno ni Olivarez, umunlad ang Parañaque dahil dumami ang investors at mga negosyong itinatayo sa lungsod na umabot na sa 20,000.

Tinatayang nasa tatlong bilyong piso na rin ang estimated annual gross sales na kinikita ng lungsod.

Ang Parañaque ay isa sa mga kilalang urban city sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Minsan na rin itong pinagtuunang pansin ng Department of Interior and Local Government bilang pinakamagaling na lokal na gobyerno dahil sa pagpasa nito ng apat sa pitong local governance assessment areas sa taong 2018.

Isa naman sa pinakamalaking independent arbiter ang SMI dahil sa pagpo-promote ng mga programa sa mahigit na 90 bansa at ang natatanging international award-giving body in marketing at branding dito sa bansa.

Binubuo ang Superbrands council ng mga matatagumpay na tao na dalubhasa sa public relations, civic at institutio­nal organizations bilang parte ng international standard ng brands at services na kategorya sa buong mundo.

The post Olivarez pinarangalang ‘Most Outstanding Mayor for 2019’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *