Olivarez lumayo ang kalamangan sa mayoralty race

LALONG lumayo ang kalamangan ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa kanyang katunggaling si dating Mayor Florencio Bernabe Jr., ayon sa pinakabagong mayoralty survey para sa midterm election sa susunod na buwan.

The post Olivarez lumayo ang kalamangan sa mayoralty race appeared first on Abante News Online.

olivarez lumayo ang kalamangan sa mayoralty race - Olivarez lumayo ang kalamangan sa mayoralty race
olivares 2 - Olivarez lumayo ang kalamangan sa mayoralty race

LALONG lumayo ang kalamangan ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa kanyang katunggaling si dating Mayor Florencio Bernabe Jr., ayon sa pinakabagong mayoralty survey para sa midterm election sa susunod na buwan.

Nabatid sa survey ng Publicus Asia Inc. na isinigawa nitong March 16 to 17, nakakuha si Olivarez ng 61.21 % kumpara kay Bernabe Jr. na nakakuha lamang ng sa 27.36 %.

Sa naunang survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc., na ginawa bago magsimula ang kampanya sa local na posisyon, nakakuha ng 48% si Olivarez kumpara kay Bernabe Jr., na nakakuha naman ng 10%.

Umangat si Olivarez ng halos 13. 20 % kung ngayon gagawin ang halalan.

Samantala, si kasalukuyang Vice Mayor Rico Golez at ka-tandem ni Olivarez ay nangu­nguna laban kay da­ting BF Barangay Chairman Jeremy Marquez na kapartido naman ni Bernabe Jr.

Nakakuha si Golez ng 61.32 % kumpara sa 31.19 % lamang ni Marquez.

The post Olivarez lumayo ang kalamangan sa mayoralty race appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *