Oldest Pinoy pinagdiwang 123rd bday

Tinuturing na ‘national treasure’ ng Kabankalan City Police Station (KCPS) si Francisca Montes-Susano, ang pinakamatandang Pilipino matapos nitong ipagdiwang ang kanyang ika-123 birthday nitong September 11.

The post Oldest Pinoy pinagdiwang 123rd bday first appeared on Abante.

oldest pinoy pinagdiwang 123rd bday - Oldest Pinoy pinagdiwang 123rd bday
abante lol - Oldest Pinoy pinagdiwang 123rd bday

Tinuturing na ‘national treasure’ ng Kabankalan City Police Station (KCPS) si Francisca Montes-Susano, ang pinakamatandang Pilipino matapos nitong ipagdiwang ang kanyang ika-123 birthday nitong September 11.

Nagtungo ang pulisya na pinangunahan ni Lt. Col. Mary Rose Pico para mabigyan ng simpleng sorpresa si Lola Francisca sa kanilang bahay sa Brgy. Oringao sa Negros Occidental.

Bumilib ang KCPS sa katatagan ng lola,na nasaksihan ang dalawang World War, martial law, People Power Revolution at COVID-19 pandemic.

“The (Philippine National) Police salutes her character of old age by surprising her with cakes. She is the oldest living Filipino, born before the Philippine Independence, and was able to witness two World Wars,” ayon sa pahayag ng pulisya.
“May you continue to inspire us and give us hope that the human spirit will continue to strive and endure anything that comes no matter what the odds are,” lahad pa.

Si Lola Francisca ay isa sa mga awardee ng Negros First Centenarian Act noong 2015.

Inaaral din ng Gerontology Research Group kung swak ba ang Pinay sa Guinness Book of World Records bilang pinakamatandang tao na nabubuhay. (PNA)

The post Oldest Pinoy pinagdiwang 123rd bday first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *