Oil tanker sa Nigeria sumabog, 50 patay

NASAWI ang 50-katao habang nasa 101 ang sugatan matapos na sumabog ang isang natumbang oil tanker sa Central Nigeria noong Lunes, Hulyo 2, 2019.

The post Oil tanker sa Nigeria sumabog, 50 patay appeared first on Abante News Online.

oil tanker sa nigeria sumabog 50 patay - Oil tanker sa Nigeria sumabog, 50 patay
ABANTE oil tanker 1 - Oil tanker sa Nigeria sumabog, 50 patay

NASAWI ang 50-katao habang nasa 101 ang sugatan matapos na sumabog ang isang natumbang oil tanker sa Central Nigeria noong Lunes, Hulyo 2, 2019.

Nangyari ang pagsabog Lunes nang hapon matapos na umiwas ang oil tanker sa isang bako na kalsada dahilan upang matumba ito sa Ahumbe village sa Benue State.

Sinasabing sinugod ng mga tao ang tumumbang oil tanker para kumuha ng langis dahilan para madamay ang mga ito sa pagsabog.

Agad na lumobo ang bilang ng mga nasawi at marami ang nasa kritikal na kondisyon bunsod ng aksidente.

Maging ang mga kalapit na tindahan ay sumambulat matapos na kumalat ang langis mula sa nabuwal na oil tanker.

Nakaraang Hunyo ay nasa sampung katao ang iniulat na nasawi dahil din sa pagsabog ng isang oil tanker sa Lagos City habang umabot naman sa 60 ang nasawi sa isa pang pagsabog noong 2015 sa Anambra.

The post Oil tanker sa Nigeria sumabog, 50 patay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *