OIC ng CIIF-OMG pumalag sa reklamo

MAY duda umano ang tumatayong officer-in-charge ng Coconut Industry Investment Fund-Oil Mills Group (CIIF-OMG) na si Aqui­lino Trinidad na may kinalaman sa mga nadiskubreng anomalya o katiwalian sa kompanya kaya inunahan siyang sampahan ng patong-patong na kaso sa Office of the Ombudsman ng dalawa nitong opisyal.

oic ng ciif omg pumalag sa reklamo - OIC ng CIIF-OMG pumalag sa reklamo
ABANTE ciif - OIC ng CIIF-OMG pumalag sa reklamo

MAY duda umano ang tumatayong officer-in-charge ng Coconut Industry Investment Fund-Oil Mills Group (CIIF-OMG) na si Aqui­lino Trinidad na may kinalaman sa mga nadiskubreng anomalya o katiwalian sa kompanya kaya inunahan siyang sampahan ng patong-patong na kaso sa Office of the Ombudsman ng dalawa nitong opisyal.

Sa pagharap ni Trinidad kahapon sa mga mamamahayag, tahasang sinabi nito na siya ang lehitimo at tumatayong presidente ng CIIF na matatagpuan sa 16th Floor UCPB Building, Makati Avenue, Makati City, dahil in-appoint siya ni Pangulong Duterte noong Oktubre 1, 2018.

Aniya, inatasan siya ng Pangulong Duterte na linisin ang kompan­ya sa anumang uri ng katiwalian at korapsyon sa kopra kabilang na rito ang umano’y mga ghost employee at consultant na patuloy na tumatanggap ng suweldo.

Iginiit ni Trinidad na pinapasok niya ang Commission on Audit (COA) upang magsagawa ng pag-audit sa payroll subalit ayaw umanong ibigay ang mga kinakailangang dokumento ng mga ini­rereklamong opisyal na sina Edgar Perez, chairman, Board of Directors at Atty. Jovencio Evangelista, corporate secretary ng kompanya.

Inamin naman ni Trinidad na sumasahod siya ng katumbas na suweldo ng presidente ng naturang kompan­ya subalit nahinto ang pagtanggap nito nitong Mayo, Hunyo at Hulyo.

Unang inireklamo nina Perez at Evangelista si Trinidad sa Ombudsman dahil sa sapilitang paghingi ng sahod ng isang pangulo/chief operation officer ng naturang Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) sa kabila umano na OIC lamang ang kanyang desig­nation.

Nais bawiin nina Perez at Evangelista ang mga nakuhang suweldo ni Trinidad mula sa CIIF at maideklara rin siyang walang kapangyarihan na magtalaga at magtanggal ng mga emple­yado at corporate officer.

Hanggang sa nagsampa ng kasong usurpation of official function at administrative ang grupo nina Perez at Evangelista sa Ombudsman laban kay Trinidad.

Dahil dito, humingi naman ng sampung araw si Trinidad sa Office of the Ombudsman para masagot ang mga isinampang kaso laban sa kanya.

Mariin namang kinukondena ng kampo nina Perez at Evangelista ang umano’y pagpapanggap ni Trinidad bilang presidente sa kompanya sa kabila na OIC lamang ang kanyang appointment. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *