OFWs exempted! PH binawal galing sa 19 bansang may bagong COVID

Inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang listahan ng 20 bansang pagbabawalang makapasok ng Pilipinas na iniulat na may kaso ng bagong variant ng Covid-19.

The post OFWs exempted! PH binawal galing sa 19 bansang may bagong COVID first appeared on Abante.

ofws exempted ph binawal galing sa 19 bansang may bagong covid - OFWs exempted! PH binawal galing sa 19 bansang may bagong COVID
abante ofw 7 - OFWs exempted! PH binawal galing sa 19 bansang may bagong COVID

Inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang listahan ng 20 bansang pagbabawalang makapasok ng Pilipinas na iniulat na may kaso ng bagong variant ng Covid-19.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang virtual press conference kabilang dito ang mga sumusunod: Sweden, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Netherlands, Israel, France, Hongkong, Macao,China, Switzerland,Germany, Singapore, Iceland, South Africa, South Korea, Lebanon, Canada at Spain.

Sinabi ni Bello, ang naging desisyon ng paghihigpit sa pagpasok lahat ng mga bumibiyahe mula sa nasabing mga bansa ay kailangang ipatupad kasunod na rin ng natuklasang bagong variant ng Covid-19.

Gayunman, nilinaw ng kalihim na tanging ang mga oversaes Filipino workers (OFWs) lamang ang exempted sa restriction ng travel ban.

Ayon pa kay Bello, lahat ng balikbayan na hindi OFWs ay hindi saklaw ng exemptions na ipinatutupad ng Inter Agency Task Force (IATF).

Samantala, wala pa naman umanong deployment ban sa mga bansang nakapagtala ng bagong strain ng Covid-19 dahil ang mga ito ay nagdeklara na ng lockdown kaya hindi rin maaring makapagdeploy ng OFWs.

Ayon pa kay Bello, 116 mga bansa ang nagpatupad ng restriction at isa aniya sa mga bansa na pinagbawalan ay ang Pilipinas. (Mina Navarro)

The post OFWs exempted! PH binawal galing sa 19 bansang may bagong COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *