OFW sa freezer nakamit ang hustisya

NAPATUNAYANG guilty sa kasong murder ang employer ni Joanna Demafelis, ang Filipina household worker na nadiskubre ang mga labi sa loob ng freezer sa Kuwait noong nakaraang taon.

ofw sa freezer nakamit ang hustisya - OFW sa freezer nakamit ang hustisya
ABANTE OFW - OFW sa freezer nakamit ang hustisya

NAPATUNAYANG guilty sa kasong murder ang employer ni Joanna Demafelis, ang Filipina household worker na nadiskubre ang mga labi sa loob ng freezer sa Kuwait noong nakaraang taon.

“The DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs reports that the Syrian District Criminal Court found Mouna Ali Hassoun, accused in the Joana Demafelis case, guilty of murder,” saad sa statement ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“(The) DFA will continue to provide legal assistance to the family until justice is served,” dagdag pa nito.

Ang mister ni Hassoun na si Nader Essam Assaf, isang Lebanese, ay nahaharap din sa kasong murder sa Lebanon.

Magugunitang natagpuang nakasilid sa loob ng freezer ang labi ni Demafelis sa isang inabandonang apartment na pag-aari nina Hassoun at Assaf sa Al-Shaab, Kuwait noong nakaraang taon.

Lumabas sa ginawang awtopsiya kay Demafelis na binugbog ito at tinorture nang paulit-ulit bago inilagay sa freezer ang katawan matapos mamatay.
Pinaniniwalaang mahigit isang taon na ang bangkay nito sa freezer bago natagpuan.

Ito ang nagtulak kamakailan kay Pangulong Rodrigo Duterte para magpatupad ng deployment ban ng mga Filipino worker sa Kuwait. (Mina Aquino/IS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *