OFW patay sa aksidente sa US

HACKENSACK, NEW JERSEY – Patay ang isang OFW na Pinay nurse matapos na sumalpok ang kotse nito sa isa ring kotse sa Hackensack Ave­nue sa New Jersey U.S.A

The post OFW patay sa aksidente sa US appeared first on Abante News Online.

ofw patay sa aksidente sa us - OFW patay sa aksidente sa US
diana 1 - OFW patay sa aksidente sa US

HACKENSACK, NEW JERSEY – Patay ang isang OFW na Pinay nurse matapos na sumalpok ang kotse nito sa isa ring kotse sa Hackensack Ave­nue sa New Jersey U.S.A

Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Diana Pelayo 33-taong gulang na tubong San Fernando Pampanga.

Patay din ang pasahero ng nakabangaan nito habang dalawang­ pang biktima ang isinugod sa Hackensack University Medical Center
Naganap ang aksidente Sabado nang hapon pero ngayon lang opisyal na inilabas ng mga awtoridad ang pangalan ng mga biktima
Hindi naman matanggap ng asawa ng biktima na si Jeff ang sinapit ni Diana.

Nag-migrate si Jeff sa Amerika noong nakaraang taon para makasama ang kanyang asawa na si Diana at magsimula ng kanilang pamilya sa New Jersey.

Hindi pa malinaw sa imbestigasyon kung paano naganap ang aksidente at patuloy pa rin ang isinasagawang imbes­tigasyon
Nagtutulong-tulong ngayon ang Filipino Community sa New Jersey para tulungan si Jeff na maibalik sa Pampanga ang mga labi ng kanyang asawa. (Dave Llavanes Jr.)

The post OFW patay sa aksidente sa US appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *