OFW na stroke survivor sa Bahrain balik-Pilipinas

NAKABALIK na sa Pilipinas ang isang overseas Filipino Worker (OFW) na may apat na buwan naratay sa isang pagamutan sa Bahrain matapos ma-stroke.

ofw na stroke survivor sa bahrain balik pilipinas - OFW na stroke survivor sa Bahrain balik-Pilipinas
abante OFW - OFW na stroke survivor sa Bahrain balik-Pilipinas

NAKABALIK na sa Pilipinas ang isang overseas Filipino Worker (OFW) na may apat na buwan naratay sa isang pagamutan sa Bahrain matapos ma-stroke.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nakauwi na sa kanyang pamilya noong Setyembre 14 si Daisy Fernandez de Jesus, isang domestic helper sa Bahrain mula pa noong 2011.

Na-stroke si De Jesus noong nakalipas na Hunyo at sumailalim sa craniotomy procedure sa ospital sa Manama, Bahrain para tanggalin ang blood clot at gamutin ang pamamaga ng utak.

Naparalisa ang kalahati ng katawan ni De Jesus at nanatili ng apat na buwan sa Salmaniya Hospital pero agad ding nakarekober.

Sinagot ng DFA, ang lahat ng gastusin ni De Jesus sa pamamagitan ng Assistance-to-Nationals­ Fund. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *