OFW hinabol sa libing ng kaanak

ISANG tama sa ulo at isa sa dibdib ang ikinasawi ng isang nagbabakasyong overseas Fi-lipino worker (OFW) na binaril sa harap ng sementeryo sa San Pascua­l, Batangas kamakalawa nang hapon.

The post OFW hinabol sa libing ng kaanak appeared first on Abante News Online.

ofw hinabol sa libing ng kaanak - OFW hinabol sa libing ng kaanak
baril 11 - OFW hinabol sa libing ng kaanak

ISANG tama sa ulo at isa sa dibdib ang ikinasawi ng isang nagbabakasyong overseas Fi-lipino worker (OFW) na binaril sa harap ng sementeryo sa San Pascua­l, Batangas kamakalawa nang hapon.

Ayon sa San Pascua­l police, katatapos lamang makipaglibing sa isang pumanaw na kamag-anak ang biktimang si Dennis Abrahan, 44-anyos, residente ng Brgy. Manginao Proper, Bauan, nang ito ay barilin ng hindi nakila- lang gunman sa harap ng Holy Cross Cemetery sa Brgy. Sambat, pasado alas-tres nang hapon.

Ayon kay Police Major John Rillian, hepe ng San Pascual Police, nakatayo lang sa gilid ng kalsada ang biktima at hinihintay ang kasamang bumibili ng sigarilyo nang lapitan ito ng nag-iisang salarin at malapitang barilin.

Isinugod pa ang biktima sa Bauan Doctor’s Hospital subalit nalagutan din ito ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Nakatakas naman ang suspek matapos pamamaril. (Ronilo Dagos)

The post OFW hinabol sa libing ng kaanak appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *