OFW dumalo sa graduation para sa namayapang anak

UMUWI ng Pilipinas ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia para sana sa graduation ng kanyang anak.

The post OFW dumalo sa graduation para sa namayapang anak appeared first on Abante News Online.

ofw dumalo sa graduation para sa namayapang anak - OFW dumalo sa graduation para sa namayapang anak
ABANTE MO ISKUP REPORTcomrde - OFW dumalo sa graduation para sa namayapang anak

UMUWI ng Pilipinas ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia para sana sa graduation ng kanyang anak.

Subalit nang namatay sa dengue ang anak ni Art Tecson Jr., isang Telecommunication Surveyor sa Saudi Arabia, ang ama na lamang ang umakyat ng entablado upang kunin ang diploma ng kanyang anak, pati na ang mga medalya.

Naging madamdamin ang eksena sa graduation dahil umakyat si Art na bitbit ang larawan ni Allyza.

Nagtapos na may mga high honor si Allyza sa Asian College of Technology (ACT) Bulacao campus kaya’t sa ama na lamang isinabit ang mga medalya sa graduation noong Abril 4.

Namatay si Allyza noong Marso 15 matapos itong lumahok sa outreach program at lagnatin ng tatlong araw.

Nakausap pa ni Art ang anak habang nasa ospital sa pamamagitan ng video call, at sinabihan niya itong lumaban.

Subalit nang nakita niyang nanghihina na ang anak, masakit man sa kalooban ay sinabihan niya ito ng “Anak give up na tayo. Pahinga ka na.”

Inamin ni Art na masakit para sa kanya na wala siya sa tabi ng kanyang anak sa mga huling sandali nito bago bawian ng buhay.

Nakauwi lamang si Art sa Cebu, tatlong araw bago ilibing ang kanyang anak noong Marso 14.

The post OFW dumalo sa graduation para sa namayapang anak appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *