OFW ala-mummy na dumating sa NAIA

MISTULANG mummy na dumating ang isa sa 117 mga distressed overseas Filipino worker (OFW) mula sa Riyadh, Saudi Arabia dahil naka-brace ang katawan matapos umanong mahulog mula sa 3 palapag na gusali nang duma­ting sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon nang umaga.

ofw ala mummy na dumating sa naia - OFW ala-mummy na dumating sa NAIA
abante OFW - OFW ala-mummy na dumating sa NAIA

MISTULANG mummy na dumating ang isa sa 117 mga distressed overseas Filipino worker (OFW) mula sa Riyadh, Saudi Arabia dahil naka-brace ang katawan matapos umanong mahulog mula sa 3 palapag na gusali nang duma­ting sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon nang umaga.

Ayon sa ulat, ang hindi pinangalanang OFW na babae ay tumakas sa kanyang employer sa pamamagitan ng paggamit ng pinagdugtong na kumot at tumalon mula sa bintana ng ikatlong palapag na gusali ng kanyang employer.

Nakita umano ng kanyang amo na tumatakas ang nasabing OFW kaya pinutol ang kanyang ginamit na kumot habang nakalambitin kaya tuluyang nahulog.

Ang naturang bilang na mga OFW ay sakay ng Philippine Airlines-PAL flight PR665 at ang grupo ay sinalubong sa pangunguna ni Labor Sec. Silvestre Bello at OWWA Administrator Hans Leo Cacdac para alalayan sa pag-aasikaso ng kanilang mga travel document sa airport.MISTULANG mummy na dumating ang isa sa 117 mga distressed overseas Filipino worker (OFW) mula sa Riyadh, Saudi Arabia dahil naka-brace ang katawan matapos umanong mahulog mula sa 3 palapag na gusali nang duma­ting sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon nang umaga.

Ilan din sa sa mga OFW umano ay nakaranas ng pagmamaltrato sa kanilang mga employer at ang iba ay tumakas sa kanilang mga amo dahil sa hindi pagbayad ng suweldo ng kanilang employer.(Otto Osorio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *