Official ballot para sa May 13 election areglado na—Comelec

abante-tonite-comelec-election

TAPOS na ang Commission on Elections (Comelec) sa pag-iimprenta ng mga official ballot para sa May 13 elections.

The post Official ballot para sa May 13 election areglado na—Comelec appeared first on Abante News Online.

official ballot para sa may 13 election areglado na comelec - Official ballot para sa May 13 election areglado na—Comelec
abante tonite comelec election - Official ballot para sa May 13 election areglado na—Comelec

TAPOS na ang Commission on Elections (Comelec) sa pag-iimprenta ng mga official ballot para sa May 13 elections.

Sinimulan na ring ikalat ang mga balota sa iba’t ibang destinasyon.

Ayon kay Comelec Director Teopisto Elnas Jr., deputy project director sa May election, eksaktong 17 araw bago ang eleksyon sa susunod na buwan ay kasado na ang mga balota.

Binanggit din ni Elnas na uunahing dadalhin ang mga official ballot sa mga priority area.

“Nasa third day na tayo ng dispatch. (And) ‘yung mga priority areas natin ay sa ARMM, sa Sulu, Basilan, Tawi-tawi and of course dito sa Batanes area,” pahayag ni Elnas.

Nasa ikatlong araw na ng pagdidispatsa ng mga inimprentang balota ang Comelec sa mga prayoridad na lugar kabilang ang Sulu, Basilan, Tawi-Tawi at Batanes area.

“It will end this coming May 4,” dagdag ng opisyal.

Kahapon, Abril 26 ay anim na mil­yon ng kabuuang 63 million printed ballot ay isinasailalim sa beripikasyon.

Ayon sa Comelec official, mahigit sa 61 million registered voter ang inaasahang dadagsa sa mga presinto sa Mayo 13 para bumoto.

The post Official ballot para sa May 13 election areglado na—Comelec appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *