Occidental Mindoro, Romblon niyugyog ng Magnitude 5.5

NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang Occidental Mindoro at Romblon kung saan walang idinulot na pinsala ang tectonic quake kasabay ng babala na asahan umano ang mga aftershock, ayon sa report ng Phili­ppine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs).

The post Occidental Mindoro, Romblon niyugyog ng Magnitude 5.5 appeared first on Abante News Online.

occidental mindoro romblon niyugyog ng magnitude 5 5 - Occidental Mindoro, Romblon niyugyog ng Magnitude 5.5
ABANTE occ mindoro - Occidental Mindoro, Romblon niyugyog ng Magnitude 5.5

By Tina Mendoza

NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang Occidental Mindoro at Romblon kung saan walang idinulot na pinsala ang tectonic quake kasabay ng babala na asahan umano ang mga aftershock, ayon sa report ng Phili­ppine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs).

Alas-9:00 nang umaga tumama ang lindol na ang epicenter ay naitala sa bayan ng Rizal, Occidental Mindoro at may lalim na 6 kilometro.

Matapos ang pagyanig ay 6 na aftershock na agad ang naitala ng Phivolcs na may lakas na 1.6 hanggang 2.0 magnitude.

Intensity 3 ang naramdaman sa Lipa City, Batangas, Malay, Aklan habang Intensity 2 sa San Nicolas, Batangas at sa Maynila.Samantala, tatlong mahihinang lindol ang naitala pagkatapos ng main quake sa nasabing mga lugar. May lakas itong magnitude 2.3 at may lalim na 102 kms.

Sinundan ito ng magnitude 2.6 sa south west ng bayan ng Rizal na may lalim 40 km bandang alas- 9:25 ng umaga. Ang ang pinakahuli ay magnitude 1.9 sa naturang lugar bandang alas 9:27 ng umaga.

The post Occidental Mindoro, Romblon niyugyog ng Magnitude 5.5 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *